Ito ngapala ung first week ko. Nasa U.P. ako ngayon eh. First time akongmag internet. Kasi kailangan naming mag enroll sa e-classroom. Php 15 pa naman ung per hour. Kala ko pa naman libre. May new friends na ako dito. Actually, apat na kami kumakain every lunch. At least may kasama na ako diba? Nameet namin ung teacher namin kamina sa Chem16. Natatakot na talaga ako sa kanya! Kasi sabi niya na apat lang daw ung nakagraduate sa foodtech last year! Eh, paano na ako? Tapos pinasulat pa kami ng expectation sa grades, eh, ung sinulat ko ay 3. Ewan ko. Feeling ko nga, imposible kung makuha ko ung 3. Sa simula pa lang, mahirap na. Tudo kayod talaga dito sa UP. Tapos, medyo malayo pa talaga sa bahay. Isang oras ang biyahe, nakakapagod. Kapag ang uwian namin ay 5, sigurado pasado 6 na ako makakarating sa bahay. Nakakatakot diba? Ako lang ata ung bumibiyahe ng ganoon ka kalayo. Nag dodorm kasi ang mga classmates ko. Ayoko rin naman kasing mag dorm. Mahirap! Di pa kami nag rerecess. Ang klase namin ay mamaya pangmga 1:00, pero ngayon lang ito. Oo, mag iiba na ang hangin sa susunod na mga linggo. Marahil, di na ganito.
Kasama ko sina Abbie at Gem ngayon. Wala si Inna eh. Siguro, magiging busy na ako these next weeks. Nakakatakot! Kailangan kong umalis ng bahay berfore mag 6a.m para di ako malate sa klase kong 7a.m. ng umaga! Paano na ito? How am I going to overcome this things. Sana nga eh makakayanan ko ito. Medyo naiinspire na ako, kasi God gives me signs to keep on moving on. Sana nga makakapag graduate ako, kahit di on time. Sana nga lang. Basta ang alam ko ay marami kaming mag sisikap. Kakayanin ko ito! Wala naman kasing imposible sa taong masipag diba? Sige hanggang dito na lang ako.
2 comments:
Wow. buti naman at may new friends ka na. Enjoy UP. :P
enjoy po sa UP life... enjoy sa chem16... yap tama ka, sipag lng kelangan mo dyn at tiwala sa sarili:)
Post a Comment