Thursday, April 21, 2011

BIRTHDAY NI APRILLE KAHAPON.

          Nakakatawa kahapon! Akala ko kasi umalis pala sina Aprille sa bahay nila. Nag family bonding yata? Tapos papaalis na ako noon sa bahay. Mabuti na lang eh natawagan ko si Kathrina at si Jaiza. Kaya ayun, pumunta kami sa SM. Nilibre kami ni Kathrina. Habang nagbabayad na kami eh, pinag-usapan namin si Aprille. Sobrang nadissappoint ako at naiinis kasi ba naman,pnaghandaan ko sana ang lahat ng bagay tapos biglang umalis pala siya. Tapos nung malapit na kami sa cashier eh biglang nakita namin si Aprille na dumaan! Nakakatawa! Naroon rin pala siya sa SM at namimili ng ingredients para sa Spaghetti. Kaso, hindi raw siya papayagan na sumama sa amin kaya ayun, nagpaalam na lang kami.

          Palabas na kami noon sa SM, nakita namin siya ulit. Yun pala eh, pinayagan na pala siya ng mama niya! Yes! At last, magakasama kami! Nakakatuwa nga kasi God made a way para magkasama kami! YES! :) ang saya ko sobra kasi hindi ko inaakala na magkakasama kami.>.<. Eh, lilibrehin sana kami ni Aprille kasi binigyan pala sya ng mama ng php500 kaso di na lang raw, magluluto na lang raw kami sa bahay ni Kathrina para mas makatipid.

          Marami kaming niluto. At syempre eh, nagluto rin ako. Ang dinala ko kasi that time eh, lumpia. Malapit nasunog ung iba. Medyo dark golden brown na rin ang kulay pero hind namin inintindi. Mas masarap kasi para sa akin ung ganoong kulay. Tapos eh, nagluto sila ng apat na pancit canton. Dalawang chili-mansi at isang Calamansi. Tapos may dalawa pang coke at pancake. Sobrang dami nga eh. May pinanood sana kami "Splice" ang title. Kaso masyadong pirated hindi tuloy namn natapos! Ayun, picture kami ng picture, ang saya-saya. Mamimiss ko ito!

No comments:

Copyright © 2016 Ang paglalakbay ni Lysafae , Blogger