Showing posts with label birthday celebration. Show all posts
Showing posts with label birthday celebration. Show all posts

Thursday, April 21, 2011

BIRTHDAY NI APRILLE KAHAPON.

          Nakakatawa kahapon! Akala ko kasi umalis pala sina Aprille sa bahay nila. Nag family bonding yata? Tapos papaalis na ako noon sa bahay. Mabuti na lang eh natawagan ko si Kathrina at si Jaiza. Kaya ayun, pumunta kami sa SM. Nilibre kami ni Kathrina. Habang nagbabayad na kami eh, pinag-usapan namin si Aprille. Sobrang nadissappoint ako at naiinis kasi ba naman,pnaghandaan ko sana ang lahat ng bagay tapos biglang umalis pala siya. Tapos nung malapit na kami sa cashier eh biglang nakita namin si Aprille na dumaan! Nakakatawa! Naroon rin pala siya sa SM at namimili ng ingredients para sa Spaghetti. Kaso, hindi raw siya papayagan na sumama sa amin kaya ayun, nagpaalam na lang kami.

          Palabas na kami noon sa SM, nakita namin siya ulit. Yun pala eh, pinayagan na pala siya ng mama niya! Yes! At last, magakasama kami! Nakakatuwa nga kasi God made a way para magkasama kami! YES! :) ang saya ko sobra kasi hindi ko inaakala na magkakasama kami.>.<. Eh, lilibrehin sana kami ni Aprille kasi binigyan pala sya ng mama ng php500 kaso di na lang raw, magluluto na lang raw kami sa bahay ni Kathrina para mas makatipid.

          Marami kaming niluto. At syempre eh, nagluto rin ako. Ang dinala ko kasi that time eh, lumpia. Malapit nasunog ung iba. Medyo dark golden brown na rin ang kulay pero hind namin inintindi. Mas masarap kasi para sa akin ung ganoong kulay. Tapos eh, nagluto sila ng apat na pancit canton. Dalawang chili-mansi at isang Calamansi. Tapos may dalawa pang coke at pancake. Sobrang dami nga eh. May pinanood sana kami "Splice" ang title. Kaso masyadong pirated hindi tuloy namn natapos! Ayun, picture kami ng picture, ang saya-saya. Mamimiss ko ito!

Tuesday, April 19, 2011

BIRTHDAY NI APRILLE.

          Oo nga, birthday naman ni Aprille. Saka, may balak kaming gawin ngayon. Isusuprise namin siya mamaya. Hindi ko alam ang magiging reaction niya pero sana eh hindi magagalit ang nanay at tito niya. Patay talaga kami nito!. Hindi kasi siya pinapayagan na magpapunta ng mga kaklase or kaibigan sa bahay nila saka wala raw silang handa pero dadala naman kami ng konting makain para hindi kami magiging pabigat sa kanila. Okey ba?hehe. Alam kong patay kami sa tito niya. >.< Pero sana eh magustuhan niya ang simple naming suprise at regalo. Nakakatawa, hindi ko alam kung nandoon sila ngayon pero gusto ko talaga siyang supresa. Kasama ko sina Jaiza at leamie. Hehe. Bahala na kung anong mangyayari mamaya. Mga 1pm kasi kami pupunta doon. Tapos ang dadalhin ko eh lumpia, kung pwede, doon ko na lang rin sana lulutuin, para mas masarap at mainit. Actually, wala na kaming oil dito eh. Nakakatawa. Ginawa ko pa ung reason. hehe. 

          Natatakot rin kasi ako kasi baka ito na ang huling birthday niya dito sa Davao kas mag mimigrate na sila. Nakakalungkot nga eh kasi siya ung pinakamatagal ko nang naging kaibigan. Naging kabigan ko siya mula first year. Tapos nagsasama kami hanggang fourth year. Nakakalungkot nga eh kasi magkakahiwalay na kami. Mamimiss ko ung mga panahon na magkakasama kami.Kung pwede nga lang eh, gusto kong ibalik ang nakaraan. Gust kong ibalik ang mga pangyayari sa amin noon. Ang mga tawanan , ang mga iyakan at pati na rin ang mga problemang pinagdaanan namin. Sobrang mamimiss ko sila.


          Ang sakit isiping magkakahiwalay na kami. Sobrang layo ko na sa kanila at ganoon rin sila sa akin. Di ko alam kung paano ang mabuhay kung wala sila, kung wala ang YOWMEHN REPUBLIC. Paano ako makakasurvive at mag aadjust ng wala sila? ang sagot? HINDI KO ALAM.
Copyright © 2016 Ang paglalakbay ni Lysafae , Blogger