Friday, June 17, 2011

KUMUSTA NA AKO?


          Alam mo, di na ako ganoon kanahihirapan. Di na ako tulad ng dati ung tipong gusto ko nang magpakamatay tuwing gabi sa pag-uwi ko. Nilagnat pa ako noong isnag araw dahil sa depression ko. Masyado talaga akong nadedepress. Kaya naman naiinis ako sa sarili ko. Last time, magququiz daw kami sa Chem16, todo naman ang pag-aaral ko tapos nauwi lang sa wala. Bumagsak kami ng grupo ko, ayan kasi di nakikinig. Kahit papano, medyo nakakayanan ko naman eh. Sa ngayon, siguro. Di ko alam kung magagawa ko it. Sana nga. Medyo mahirap din ang laboratory namin ah! Pinakamahina kasi ako sa mga ganoong mga bagay. Alam mo na, mga measurements na di ko magets. Kahit anong turo pa ng teacher namin ay wala pa rin akong naiintindihan. Nakakainis nga eh! Kahit na nagfofocus ako eh, wala pa rin. Feeling ko, dito ako mababagsak eh. Di na ako masyadong naghahangad ng mga napakalaking grado. Feeling ko nga eh hanggang tres lang ako. Sana di ako bumagsak! Dami kasing nababagsak sa Chem16. Tapos may bio pa! Paano na ito? Natatawa ako sa professor namin kanina eh, sa social science. Salita siya ng salita, wala namang nakakaintindi sa kanya. Di naman sa wala pero para sa akin, wala akong naiintindihan. Paano ba naman eh, di ko na maintindihan kung ano ang pinag-uusapan namin. Lagi kaming nawawala sa topic eh. Biglang pinag-usapan namin ung homework na pinasa namin tapos naabot naman kami doon sa professor daw niya tapos pinag-usapan pa namin kung saan nag-aral ung teacher niya. Ano ba ito? Autobiography. Matanda na siya. May edad na pero di ba siya napapagod sa pagtuturo? Mabait naman. Ako nga tong mean eh. Sorry boss! Peaceful sa UPmin pag nagsi-uwian na ang mga tao. Lalo na sa CSM building (kung saan nyo ako palaging makikita). Mas konti kasi ung mga science and math related courses. Matalino ang karamihan, matapang naman ung iba na akala mo kung sinong makakapasa sa course na pinili niya, tulad ko. hahaha. Should I laugh? Medyo nahihirapan ako s apag adjust sa environment ko dito duringthe first 2nd weeks. Sobra. Iniiyakan ko pa nga ito! Kaya ayan tuloy! nagkasakit! Pero I love Fridays. Wala kaming amsyadong homework tapos mas lunch break kami. Normal kasi sa amin doon ang walang lunch break. Di naman sa ayaw namin, actually, gusto namin eh kaso di siya nasali sa schedule. Nakalimutan yatang tao kami eh. Kaya ayun, may subject ako doon na from 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ang klase namin eh. Ang masahol eh, walang break! Kitams? Daig pa namin ang 24 hours!

          Natuto rin akong maging FS. Alam mo na Feeling Close. I need some more friends na karamay if ever mabagsak na ako. Yes, masaydo akong nega pero Im expecting for low grades! Sabi nga ng bestfriend ko eh bad vibes daw ito pero anong magagawa ko. Ito na ako eh! Hirap baguhin ang sarili! Nga pala, sobrang putik kanina sa school! Nakakaloka, parang Caramel Coated ung kalsada! Di ko maintindihan kung bakit nasa puso ng kabukiran ang paaralang iyon!

1 comment:

Alyssa :) said...

Mas maganda naman mag expect ng mababa pero ginagawa mo pa rin yung best mo para pag mataas yung nakuha mo, yung saya, sobra.
Kesa naman mag expect ng mataas tapos mababa naman pala. Masakit yun ;)

Copyright © 2016 Ang paglalakbay ni Lysafae , Blogger