Kadayawan ngayon dito. Pero ano nga ba ang kadayawan sa Davao?
Kadayawan? Ito ang trip ng mga dabawenyo. Dito nag eenjoy ang mga tao. Sino ba naman kasi ang hindi mag eenjoy kung mag kakaroon ng 3-day sale ang mga malls? Di lang iyon! Ang dami-dami pang mga bandang pupunta dito! Mahilig kasi ako sa banda. Sobra. Kaso hindi ako mahilig sa mga artista kaya nga paminsan eh naiinis ako, pambihira, bakit puro na lang artista ang iniintindi ng mga taga davao? Sa bagay di ko naman sila masisisi. Pero, gusto kong lumabas ngayon, alam niyo na, magsaya at kumain ng maraming maraming street food. Gusto ko kaso, marami pa akong gagawin. Nakakaawa talaga ako! Di ko magawang lumabas, Mag eexam kasi kami next week. Nakakapagod diba? Ganyan talaga ang buhay eh, It's either you swim or you'll sink.
Gusto kong pumunta sa downtown ngayon! Kung pwede nga lang talaga. Gusto kong maranasan ang makisalo sa mga tao haang nag coconcert ang mga banda. Gusto kong maranasan ang maging isa sa kanila. Kasi, kahit kailan di ko pa naranasan ang makakita o di kaya'y makasapi sa isang parada. Di naman kasi ako pinapayagang lumabas kapag kadayawan o araw ng Dabaw, kasi raw delikado, di mo na alam ang panahon natin ngayon diba? Nakakainggit. Nakakasawa. Nakakasakal. Nakakainis. Nakakapagod. Yun ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nang lumabas pero, PERO MAY EXAM PA KAMI! Di ko naman kasi pwedeng iwan ang mga ito diba? Kailangan ko talagang bumawi kung gusto kong maging isang regular student. Mahirap nga naman kasi ang 2nd exam kung ikukumpara mo sa 1st exam diba?
Naiinis ako sa SSP3 namin na subject. WALA AKONG MAINTINDIHAN!!! Di ko marelate ang mga lessons! Tapos next week, may exam na! Kinakabahan na ako sa mga isasagot ko! Bumagsak naman ako sa Bio1. Nakakainis. Pero di ako masyadong affected. Ewan, siguro, ginawa ko lang talaga ang lahat ng makakaya ko. Kaya ayon, wala akong pinagsisisihan. Ayon, nakakapagod. Nakakainggit. Kakain na lang ako at magpapakasawa para makalimutan ang lahat ng problema...
No comments:
Post a Comment