Showing posts with label yowmehn republic. Show all posts
Showing posts with label yowmehn republic. Show all posts

Saturday, August 13, 2011

Namimiss ko ung dati

          I am listening to "so far away by bamboo". Naalala ko dati. Noong nagtake kami ng exam sa ADDU. Medyo maaga natapos, ayun, nag net muna kami. Ito kasi ung favorite song ko dati Sobra akong addict dito. Bago amtulog, ito ang laging tugtog sa mp3 ko. Nakakamiss kasi dati, kasama ko pa sila. Tapos ngayon, aalis na ung best friend ko sa Monday. Aalis na siya. Dati, kasama ko pa siya. Dati, sabay pa kaming kumain, umuwi at mag lunch. Di ko pa rin ma accept ang fact na aalis na siya. Si aprille. Oo, un ang pangalan niya. Hindi ko siya malilimutan. Paano ko ba naman siya malilimutan? Kanina lang, nagkalast chat kami. Sabi niya sa akin, na idedelete na daw nya ung fb niya. Sabi raw kas ng mama niya. Kailangan daw niya mag concentrate sa studies. Di ko alam kung papano na ito. Di ko alam kung papano ko siya icocontact. Di ko kayang mawala silang lahat sa akin. Bakit ba ganoon? Dalawa na sa amin ang nawala, tapos ngayon, pati ba naman siya? Bakit di pwedeng magkasama na lang kami habang buhay? Bakit hindi pwedeng di na lang sila umalis? Bakit?

          I really feel very bad. She is so far away. Pupunta na siya sa Florida. That really hurts. I will miss the way we used to be. Di ko alam kung magiging ganoon pa rin kasi sa hinaharap. Bakit ganoon, every time na maririnig ko ung mga favorite songs ko dati, naaalala ko agad ung mga times na magkakasama kaming magkakaibigan. Namimiss ko na ung mga biruan, ung mga tawanan, iyakan,...lahat. Namimiss ko na ung mga pambubully nila, ung mga jokes ko. I miss how I used to be. I used to be happy. I used to be cheerful. Pero umibaang lahat noong dumating ako sa U.P. Di ko feel ang mga tao doon. Masyado nga silang pranka. Paminsan, nakakainsulto na. Di ako nasanay. Masyado kasing mababait ang mga kaibigan ko. Naiinis ako! Sana sila parin ang classmates ko. Kung pwede nga lang na bumalik sa past. I missed high school days. Ung mga araw na inspired akong mag aral. Ung mga araw na kasama ko pa sila at buo pa kami. Nakakalungkot man pero totoo. NAG IISA NA AKO NGAYON. totoo naman diba?

          Namimimiss ko ung kantahan namin. Ayoko ko na sa UPmin. :( Masyadong maraming problema. Lahat, problema. Nakakasawa. Nakakasakal. Nakakalungkot pero tumatanda na ako. I'm becoming an adult that I have to leave my fantasies behind. I have to forget how it feels when I was young. It will just make me cry remembering those days. Those days how I used to laugh and enjoy my life. How I used to be happy go lucky. Everthing is serious now. Very serious. I just madly missed those good old times. So much.

Monday, June 6, 2011

Yowmehn Republic

Yowmehn Republic


           Nakita ko ito habang tinitingnan ko ang bawat post ng bestfriend ko,si Jaiza. Medyo matagal na rin pala ito naipost. Ang bilis ng panahon diba? Oo nga, ang bilis ng panahon at sobrang daming mga bagay ang nagbabago. Di man natin maitatanggi, eh totoo ito. Ako nga eh, di ko pa rin matanggap na nasa kolehiyo na ako. DI ko matanggap na magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan kong matalik sa akin. Masakit? Oo, sobra. Last year kasi, noong first day ko senior high, sobrang excited ko. Nagtetext pa nga kami ng mga kaibigan ko, kung saan kami magkikita. Dati, happiest moment ko ang first day of school. Pero marahil ay hindi na ngayon. Di ko alam kung paano ko matatanggap. Yowmehn Republic pala ang pangalan ng grupo namin. Sa Yowmehn Republic eh, pito talaga kami. Kung baga, ang Final Four ay parte ng Yowmehn Republic.


(Click the picture for a better view)
                                             Galing sa kaliwa ( Jaiza, ako, Aprille at Leamie)

           Ito kami dati, kaso wala dyan ang dalawa ko pang mga kaibigan, si Kathrina, Massy at Shajanie. Dito kami naglulunch dati. Di ito ang classroon namin, actually, this is the college building. Bawal ito eh pero matigas ang ulo namin. Di kami naglulunch sa classroom, paminsan nga lang. Ayoko rin mag lunch sa foodcourt, sobrang dami ng tao saka mainit pa. Mahilig kasi kami sa adventure. Gusto namin pumunta sa mga sulok-sulok ng paaralan, habang busy ang iba sa panliligaw at PDA. Oo, PDA (Public Display of Affection). Madaming ganoon sa amin eh. Kahit na bawal at nasa private school kami eh, may mga ganoong bagay pa rin. Marami ngang ganoon sa classroom namin eh. Kung anu-ano ang ginagawa nila. NAKAKATAKOT! Di kasi kami mahilig sa mga ganoong bagay at doon ako proud sa amin. Mamimiss ko ang mga ganitong araw. Dati kasi, pagkatapos ng exams namin eh, dumideretso kami dito. Dito kami sumisigaw (dahil mali pala ung naisagot sa exam), kumakain at di mawawala ang pagpipicture namin. Sobrang mamimiss ko ito. Paminsan, pinupuntahan namin sai kathkath (isa kong pang best friend na nasa first section). Lagi kasi silang busy, ang dami-dami kasing ginagawa doon eh.

          Di ko alam kung paano ko ito sasabihin pero ako ang pinakamasayang tao noong nakilala ko sila, ang Yowmehn Republic. Ako ang pinakamaswerteng tao noong nabuo ang grupong ito. Hindi ko maalala kung paano pero para bang mayroong ties sa amin. Nabuo kami dahil mayroon kaming kakaibang koneksyon sa iba na hindi naiintindihan ng ibang tao. Normal kaming mga high school students dati. Nag-aaral paminsan, mas madalas ang pagdalaw sa mall kaysa sa pagdalaw sa library.  Madami akong natutunan sa kanila. Sobrang dami. Heto na nga at iisa-isahin ko sila...


Jaiza Mae Jumawan - Painter siya ng barkada ng buong school, kaya naman proud na proud kami sa kanya. Di siya tulad ng iba, humble siya at mabait. Maganda pa! Siya ung lagi kong kasama sa mall. Madalas kaming mag muni-muni doon, lalo na't kapag walang homeworks at quizzes kinabukasan. Sa kanya ako nag shashare ng mga problema ko about sa lovelife. Kung anu-ano ang pinag-uusapan namin. Siya ung "partner in crime ko". Siya kasi ung kasama ko kapag may kalokohan ako ginagawa. Kapag magsisialisan na ang iba eh siya lang ang natitira sa akin. Paminsan kasi, 6:30p.m. na ako umuwi ng bagay kasi kasama ko siya sa mall, lakad kami ng lakad. Mamimiss ko ung pagtambay namin sa foodcourt. Kung di dahil sa kanya eh, Di ko makikita kung sino talaga ako. Ngayon, Architecture ang kinuha niya, ang kursong bagay sa kanya. Malayo na ako sa kanya pero kahit papano, masaya ako at nakilala ko siya.

Aprille Calapardo - Siya ung pianakamabait sa amin. Oo, siya lang naman kasi ung sobrang masunurin sa mga magulang at di niya kayang magloko. Siya ung pinakamalino at siya ung angel kung ituring namin. Pero siya pa nga itong nambubully sa amin paminsan. Mahiyain dati, di na ngayon. Kaibigan ko na siya mula noong first year high school ko. Kapag may problema, siya agad tong pinakaunang nakakahalata. Siya rin ung takbuhan ko kapag kailangan ko ng kasama. Lagi rin kaming nag sosoundtrip. Lagi akong humihiram ng ipod niya. Ang lagi naming pinapakinggan ay ang mga kanta ng parokya ni edgar. Siya rin ung lagi kong kasamang umuwi.


Leamie Retales - Siya naman ung syota ko sa amin. Mahilig siya sa anime. Tuwing umaga ay lagi niyang ikikukwento sa akin ang mga anime na napanood niya kagabi. Siya ung pinakaunang lumalapit sa akin, bukod kay Jaiza. Dami akong natutunan sa kanya. Dami rin siyang ikinukwento sa aking mga korny jokes. Siya ang Babes at ang pinakamamahal ko. Siya rin ung gustong-gusto kong ibully. Sobrang cute ng mata niya, crush na crush ko. Ang dami-dami niyang alam sa mga anime pati na rin sa manga. At nang dahil sa kanya eh naaddict ako sa manga. Nagkakacrush rin siya sa anime, ako naman, nagkakacrush sa mga tauhan sa novel na binabasa ko. Kaya naman nagkakaintindihan kami, mahirap kaya magkacrush lalo na't alam mo na kathang isip lang siya hindi ba? Siya rin ung laging nanlilibre sa amin ni Aprille. Ito ang lines namin kapag recess:


Leamie: Lysa, punta tayo sa foodcourt. Doon tayo magrecess?
Ako: Ang daming tao sa foodcourt Lea, mainit!
Leamie: Libre ko!
Ako: Sige ba! (sabay hablot sa kamay niya)


Kathrina Crave - Siya ang petita ko. Ang salitang petita ay galing sa salitan "petite" na ang ibig sabihin ay maliit. Oo, siya ung pinakamaliit pero palaban sa amin. Siya ung laging nangungulit sa akin at ang nagbibigay ligaya sa high school years ko. Siya ung Jerry a ako si Tom. Kapag nagkikita kami eh, lagi kaming naghahabulan. Lagi niya akong kinukulit at siya ung laging namimikon sa akin. Lagi rin niyang sinusulatan ang notebook ng kung anu-anong mga bagay. Sa tuwing pumupunta ako sa kanila, masyado akong feel at home, kuha lang ako ng kuha ng kung anu-ano. Favorite hangout place ko ang bahay niya pwera na lang sa mall. Napaka time-conscious rin nito. Prangka to magsalita kaya pag siya na ang may sabi eh talagang maniniwala ako. Paminsan eh, sobrang KJ nito kaya kailangan ko pa siyang pilitin para sumang-ayon siya. Sobrang close ko ito. At sobrang mamimiss ko ang Jerry at Petita ko.

Masrisha Lawi - Siya ung pinaka sexy and hot sa amin pero sobrang humble niyan. Sobrang bait tapos binigyan pa niya ako ng alagang aso. Happy go lucky siya na tao and happy person siya. Nawalay siya sa amin pero muli siyang nagbalik kaya naman nakapag graduate kami together. Dati, very simple siya, pero noong bumalik siya, nagkaroon ng terrible make over sa kanya. Kaya naman, ang dami-daming nagkakacrush sa kanya.

Shajanie Tuloganan - Siya ung tinatawag kong first love. Siya ung lagi kong kasama noong 2nd year high school pa ako. Magkapitbahay kasi kami nito eh. Medyo malapit lang naman ung bahay namin. Nasa Ilo-ilo na siya ngayon, kaya sobrang namimiss na namin siya. Nakapabait kasi nitong si first love ko. Dati kasi, gumagawa ako ng mga kwentong walang kabuluhan, siya raw si Eva at ako naman si Adam. Nakakatuwa, siya ung lagi kong kasamang umuwi noong sophomore pa ako.


          YOWMEHN REPUBLIC: Di ako sanay na mawalay sa inyo. Di ako sanay na di ko kayo makita. Di ako sanay na wala kayo sa tabi ko, di ko alam kung masasanay ako. Pero, nagpapasalamat ako kasi sa konting oras na ibinigay sa akin ng Diyos sa high school, eh, nakasama ko kayo. You were the best thing that ever happened to me. I can't imagine a life without you. Mamimiss ko kayo. You were the resemble of myself. Kung pwede nga lang eh, habambuhay na lang tayo maging magkaklase, but life is never constant. We have to move on and face a new challenge in our lives. This is very hard in my part but this is life. You'll swim, or else you'll sink. Make sense? Mahirap intindihin ang buhay, napaka komplikado pero marami kang matutunan. Wala naman kasing magyayari kung walang pagbabago sa buhay mo hindi ba? Sana, pagnagkita tayong muli, ganoon pa rin tayo tulad ng dati. Everything's gonna change but our memories always remain. Yowmehn republic, you complete me. And gusto ko lang sabihin sa inyo na "Maraming salamat, for all those years, for the happiness and the loneliness, for everything that had happened to us, you're still there, standing proud beside me and giving me hope to face the challenges in my life. Thank you for the wonderful and memorable memories. I will always treasure you guys. I love you now and forever."
Copyright © 2016 Ang paglalakbay ni Lysafae , Blogger