Ito na ang huling araw ng bakasyon ko. Natutuwa ako na nalulungkot. Bukas na magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko. Bukas ko na mararanasan ang buhay ng isang college life. Mamimiss ko ang higschool life ko. Lahat naan siguro tayo diba? Ika nga nila, Iyon nga raw talaga ang pinakamasasayang mga araw sa buhay mo. Iba na nga naman kasi talaga ang buhay kolehiyo. Hindi ka na maaring kopya na lang ng kopya. Lalo na ngayong papasok ako sa isang kilalang unibersidad. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok doon. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Marahil, ito ang tinatawag nilang destiny. Pero natatakot ako para bukas. Hindi ko alam kung ano ang aasahan ko. Ang alam ko lang eh, mahihirapan akong makapag adjust doon. Alam kong mahihirapan ako ng sobra. Wala na ung mga kaibigan ko. Hindi ko na sila makakasama pa sa bago kong paaralan. Wala na rin akong kasabay kumain at magmuni-muni doon. Nakakalungkot talaga. Kung pwede nga lang eh habambuhay na akong high school. Pero hindi naman kasi pwedeng BS in High School ako hindi ba?
Nahihirapan akng makipagkaibigan. Iyon nga talaga ang pinakamalaking kahinaan ko aside sa sports. Masyado kasi akong loyal sa mga kaibigan ko. Kapag may kasama akong iba, feeling ko, ipinagpapalit ko na ang mga kaibigan ko. Gusto ko kasi, sila lang ung lagi kong kasama. Ang hirap naman ng sitwasyon ko! Pero lahat naman tayo may problema. Ngayon ko lang pala natapos tong layout ko. Medyo matagal na tong blog na ito eh, kaso, di ko na masyadong nauupdate. Simple lang sya, di rin siya ganoon ka dilim. Mas gusto ko dito, di ko kasi masyadong naipapahayag ang damdamin ko sa isa kong blog. Mas gusto ko kasing makipaghalubilo sa mga kapwa kong filipino bloggers. Mahilig rin kasi akong magbasa ng blog ng iba.
Nag sosoundtrip lang ako dito. Mamimiss ko ang mga pagkakataong ganito. Mamimiss ko ang pagtulog ng alas dos sa umaga sa pagbloblog. Masyado na akong naadict sa pag bloblog. Simula bukas, di ko alam kung makakapagblog pa ba ako. Sabi kasi ng asawa ng pinsan ko eh, mararanasan ko daw ang "sleepless nights". Natatakot na ako! Bukas na nga talaga magsisimula ang lahat pero di ko maramdaman. Ayoko ring maramdaman. Ayokong mapalayo sa aking mga kaibigan. Ayokong mamuhay ng wala sila. Sana masasanay ako. Sana...
No comments:
Post a Comment